| Recto 2012 nixasis |
Ito ay kwento ng dalawang Explorers, isang DSL (Driver Sweet Lover) at isang araw sa Maynila.
Isang umaga, may dalawang Explorers na nag-jeep papuntang PRC. Pumara ng Morayta-Gastambide jeep ang Explorers sa gitna ng Recto.
Kv: Nix, dito tayo sa harap umupo!
DSL (pasigaw): Hindi pwede diyan! Hindi pwede diyan!
Ang Explorers ay nagulat sa reaksyon ni DSL. Wala silang nagawa kung hindi umupo sa likod.
Kv: Dadaan po ba ng PRC?
N.R si DSL.
*crickets, crickets*
Maingay ang paligid. At busina pa ng busina ang Montero sa likod ng jeep. Kaya malamang hindi narinig ni DSL ang sinasabi ng Explorers. Kaya nilakasan nila ang kanilang boses para marinig sila ni DSL.
Nix: Manong, sa PRC po kami baba.
DSL (poker face): Oo.
Kv (kumuha ng pamasahe sa pitaka): Bayad po. Dalawa. PRC.
Kinuha ni DSL ang bayad. Ngunit wala pa rin itong kibo.
Nix: Bwisit naman yang Montero na yan. Ingay! Lumipad kaya siya.
Kv: Sa PRC po iyan a.
Nix: PRC po Manong.
Kv: Opo PRC po.
*crickets, crickets*
Nix: Manong, pasabi na lang po sa amin kung nasa PRC na po tayo.
*crickets, crickets*
Kv: PRC po a Kuya. Sa PRC.
Lumingon si DSL sa Explorers at biglang sumigaw...
DSL: OO NGA! SA PRC NGA! SA PRC NGA! TUMAHIMIK NA NGA KAYO! NABA-BAD TRIP NA KO A!
Kv: Uhm, sorry.
*crickets, crickets*
Wait, there's more...
Nang dumating na ang dalawang explorers sa kanilang destinasyon, sabi ng driver...
DSL (kalmado): O dito na yung PRC. Ilalapit ko na kayo para hindi na kayo maglakad. Nakakahiya naman sa inyo.
Ang matindi dun, sabay NGITI at KINDAT.
Bottomline: Makulit ang Explorers. Moody si Kuya. At mala-pelikula talaga ang buhay sa Maynila.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA! This is vivid! Very good, Niki!
ReplyDeleteSo unforgettable!
ReplyDelete